Giit ni Trillanes, napa-praning na lang si Aguirre dahil tinutugis na ito ng katotohanan ukol sa nabunyag na immigration bribery scandal.
Payo pa ni Trillanes sa kalihim, dapat ay huwag na nitong guluhin ang isyu sabay giit na marami siyang napansin na mga butas sa mga naging pahayag ni Aguirre sa pagdinig kahapon sa Senado ukol sa iskandalo.
Idinagdag pa ng mambabatas na maraming dapat linawin si Aguirre para mawala ang hinala na may kinalalaman talaga siya sa nangyaring suhulan.
Tinawag naman na “sundalong kanin” ni Aguirre si Trillanes dahil ito umano ay isang duwag at sa mga media interviews lamang niya kaya banatan ang kalihim.