DOJ Sec. Aguirre tinawag na praning ni Sen. Trillanes
Todo-tanggi si Sen. Antonio Trillanes IV sa akusasyon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na may plano na bigyan sina dating Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Mike Robles ng legislative immunity para tumestigo laban sa kalihim.
Giit ni Trillanes, napa-praning na lang si Aguirre dahil tinutugis na ito ng katotohanan ukol sa nabunyag na immigration bribery scandal.
Payo pa ni Trillanes sa kalihim, dapat ay huwag na nitong guluhin ang isyu sabay giit na marami siyang napansin na mga butas sa mga naging pahayag ni Aguirre sa pagdinig kahapon sa Senado ukol sa iskandalo.
Idinagdag pa ng mambabatas na maraming dapat linawin si Aguirre para mawala ang hinala na may kinalalaman talaga siya sa nangyaring suhulan.
Tinawag naman na “sundalong kanin” ni Aguirre si Trillanes dahil ito umano ay isang duwag at sa mga media interviews lamang niya kaya banatan ang kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.