Pag-usad ng ethics complaint laban kay De Lima ipinagdiwang ng liderato ng Kamara
Kumpiyansa si House Speaker Pantaleon Alvarez na iiral ang pagiging patas ng Mataas na Kapulungan sa pagtalakay at pagresolba ng ethics complaint laban kay Senador Leila de Lima.
Ayon kay Alvarez, welcome sa kanya ang findings ng Senate Ethics Committee na sufficient in form and substance ang reklamong inihain ng Kamara laban kay de Lima.
Sinabi ng House Speaker na sa bandang huli ay mabi-vindicate ang Lower House sa pagrereklamo sa senadora at hindi na umano ito makakapagtago sa likod ng mga inuendo at alegasyon na pini-persecute lamang siya ng mga kongresista.
Sa desisyon ng Ethics Committee, nakitang na may basehan ang reklamo ng Kamara at nagpapatunay na hindi lamang ito uri ng paninira kay de Lima.
Matatandaang inihain nina Speaker Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Farinas at House Justice Panel Chairman Rey Umali ang reklamo sa Senado matapos makumpirma na inutusan ni de Lima ang dati nitong karelasyon na si Ronnie Dayan na magtago nang isubpoena siya ng Kamara.
Unparliamentary din daw ang mga naging banat ni de Lima sa Kamara gaya ng pagtawag na kangaroo court ang House Justice Committee na nag-imbestiga sa drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.