Duterte bubuo ng fact-finding body para imbestigahan ang Mamasapano massacre

By Chona Yu January 24, 2017 - 08:25 PM

SAF/JAN.29,2015 Pictures of the slain PNP SAF killed in an alleged "misencounter" with MILF and BIFF in Mamasapano,Maguindanao displayed outside the gates of  Camp Bagong Diwa, Taguig. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
SAF/JAN.29,2015
Pictures of the slain PNP SAF killed in an alleged “misencounter” with MILF and BIFF in Mamasapano,Maguindanao displayed outside the gates of Camp Bagong Diwa, Taguig.
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Bubuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang independent commission na mag iimebstiga sa pagkamatay ng apatnapu’t apat na kawagad ng Special Action Force (SAF) n g PNP sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015.

Sa pakikipagpulong ng pangulo sa pamilya ng SAF44, sinabi nito na hihilingin niya ang mga retiradong justices ng Supreme Court at ilang sibilyan na hindi niya kilala na maging miyembro ng komisyon.

Inaatasan ng pangulo ang lahat na sumunod at sundin ang prosesong gagawin ng bubuuing komisyon.

Binalaan din ng pangulo ang U.S Ambassador na sumunod sa komisyon at dumalo kung kinakailangan na ipatawag sila.

Nais kasi malaman ng pangulo kung ano ang naging partisipasyon ng U.S at kung saan napunta ang P5 Million reward na patong sa ulo ng international terrorist na si Zulkifli Abdhir alyas Marwan.

TAGS: Aquino, duterte, purisima, SAF44, Aquino, duterte, purisima, SAF44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.