Kabayan Party-list Rep. Harry Roque sinibak sa sariling partido

By Isa Avendaño-Umali January 24, 2017 - 07:56 PM

Harry Roque
Inquirer photo

Inalis na ng Kabayan Partylist si Rep. Harry Roque bilang miyembro ng partido.

Kinumpirma ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo na napagpasyahan na ng kanilang partido na tanggalin na si Roque.

Ipinaliwanag ni Salo na ang implikasyon nito ay wala na raw karapatan si Roque na maging kinatawan ng Kabayan Partylist sa Kamara.

Nagsumite na ng liham ang Kabayan partylist sa House of Representatives Electoral Tribunal o HRET para ipabatid ang kanilang naging desisyon.

Pero agad pumalag naman si Roque na nagsabing ‘null and void’ ang pagsibak sa kanya bilang miyembro dahil hindi naman daw miyembro ng executive committee ng partido ang mga bomoto laban sa kanya.

Binigyang-diin ni Roque na siya ay nananatiling first nominee ng Kabayaan Partylist at nanalo ang partido noong nakaraang eleksiyon dahil siya raw ang mukha ng Kabayan.

Si Roque ay napag-initan ng mga miyembro ng Kabayan Partylist dahil sa umano’y bastos na pagtatanong nito noon kay Ronnie Dayan nang sumalang ito sa imbestigasyon ng Kamara sa drug trade sa New Bilibid Prisons.

Pero maliban dito, sinabi ni Salo na may iba pang rason kung bakit nagdesisyon ang Kabayan na sibakin si Roque gaya ng asta nito sa isang budget hearing sa pondo ng DPWH gayung naghain siya ng listahan ng mga proyekto at pagharang sa confirmation sa Commission on Appointments kay Health Secretary Pauleen Ubial dahil hindi raw sang-ayon si Roque sa Universal Health Care.

TAGS: Harry Roque, Kabayan, partylist, salo, Harry Roque, Kabayan, partylist, salo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.