Ito ay matapos maaksidente ang sinasakyan niyang pick- up truck sa FVR Dike sa bayan ng Bacolor, Pampanga kung saan namatay naman ang pulis na sakay ng nakabanggan nilang Honda Civic.
Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ng kanyang inang si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kaninang 2:30AM ay sumailalim sa operasyon ang kanyang anak.
Gayunman ay hindi na tinukoy ni Arroyo kung saan inoperahan ang kanyang anak.
Ayon sa dating pangulo, bukas pa ng madaling araw malalaman kung ano ang naging resulta ng operasyon.
Kinakailangan daw kasi na obserbahan muna ang kanyang anak sa loob ng 24 oras.
MOST READ
LATEST STORIES