Umaasa si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi tuluyang mawawalan ng tiwala sa Pambansang Pulisya ang taumbayan matapos ang sunod-sunod na kontrobersiya na kinasangkutan ng ilang mga pulis.
Ayon kay Dela Rosa, iilan lang naman ang mga pulis na nasasangkot sa iligal na aktibidad at mas marami pa sa mga ito ang matitino.
Hiling ng PNP Chief sa sambayanan na bigyan sila ng panahon para laban sa mga tiwaling opisyal ang kanilang hanay.
Nangako si Dela Rosa na gagawin nila ang lahat upang tuluyan ng malinis ang hanay ng PNP kahit pa anuman ang maging kapalit nito.
Naging sentro ng panawagan ng pagbibitiw si Dela Rosa nang masangkot ang ilang tauhan ng Anti-Illegal Drugs Group sa pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.
Kaugnay nito dumating na sa Angeles RTC sa Pampanga sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at SPO4 Roy Villegas para sa return of warrant dahil sa kaso isinampa laban sa kanila dahil sa pagkidnap at pagpatay sa nasabing Koreano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.