Nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Duterte at ang sambayanan Filipino sa biyuda ng Korean national at negosyanteng si Jee Ick Joo na dinukot at pinatay sa loob ng Camp Crame sa Quezon City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinaabot ng pangulo ang pakikiramay sa may bahay ni Jee na si Choy hyung Jin.
Ayon kay Abella, humihingi ng dispensa ang gobyerno ng Pilipinas sa gobyerno ng South Korea at sa kanilang mamamayan dahil sa sinapit ni Jee.
Tiniyak ni Abella na ipapataw ang buong bigat ng batas sa mga mapapatunayang nagkasala para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng biktima.
Si jee ay sinasabing dinukot ng ilang tauhan ng Anti-Illegal drug Group ng PNP sa pangunguna ni SPO3 Ricky Sta. Isabel sa Angeles City, Pampanga at dinala sa Camp Crame at doon na pinatay.