Mga pumatay sa Korean national sa Camp Crame mananagot ayon kay Duterte

By Chona Yu January 24, 2017 - 04:13 PM

Duterte fist
Inquirer file photo

Nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Duterte at ang sambayanan Filipino sa biyuda ng Korean national at negosyanteng si Jee Ick Joo na dinukot at pinatay sa loob ng Camp Crame sa Quezon City.

Sinabi ni  Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinaabot ng pangulo ang pakikiramay sa may bahay ni Jee na si Choy hyung Jin.

Ayon kay Abella, humihingi ng dispensa ang gobyerno ng Pilipinas sa gobyerno ng South Korea at sa kanilang mamamayan dahil sa sinapit ni Jee.

Tiniyak ni Abella na ipapataw ang buong bigat ng batas sa mga mapapatunayang nagkasala para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng biktima.

Si jee ay sinasabing dinukot ng ilang tauhan ng Anti-Illegal drug Group ng PNP sa pangunguna ni SPO3 Ricky Sta. Isabel sa Angeles City, Pampanga at dinala sa Camp Crame at doon na pinatay.

TAGS: abella, duterte, jee icj joo, korean, PNP, sta isabel, abella, duterte, jee icj joo, korean, PNP, sta isabel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.