Gambling tycoon na si Jack Lam iimbestigahan rin ng Kamara
Ikakasa na Mababang Kapulungan ang hiwalay na imbestigasyon nito sa mga iregularidad na kinasasangkutan ng gambling tycoon na si Jack Lam.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountablity, nagpagpasyahan na may hurisdiksyon ang lupon na magsagawa ng congressional probe ukol sa mga isyu laban kay Lam.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng komite, kabilang sa mga bubusisiin sa isasagawang inquiry ay ang umano’y ilegal na operasyon ng online gaming business ni Lam maging ang pagkuha ng negosyante ng mga Chinese nationals bilang mga tauhan na pawang hindi mga dokumentado.
Sinabi ni Pimentel na uungkatin din ng kanyang komite ang hindi nabayaran ni Lam na P13.9 BIllion sa PAGCOR pati na rin ang panunuhol sa mga opisyal ng Bureau of Immigration.
Sa kasalukuyan ay wala pang petsa kung kailan ang congressional probe ukol sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.