Kamara handa na sa mainit na debate sa death penalty bill
Aarangkada na sa susunod na linggo ang sponsorship at debate sa plenaryo ng Kamara ukol sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan o Death Penalty Bill.
Sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na tatalakayin na sa Rules Committee ang pagkalendaryo sa Death Penalty Bill sa agenda ng plenaryo.
Maaaring sa Martes o Miyerkules ay maisponsor na sa House plenary ang panukala at susundan na ng debate.
Ayon naman kay Albay Rep. Edcel Lagman, kinausap na siya ni Fariñas at ipinaalam ang pagsalang ng Death Penalty bill sa plenaryo.
Ani Lagman, aasahan na ang fireworks sa susunod na linggo lalo’t mainit na usapin ang panukala.
Muli namang umapela si Lagman sa Liderato ng Mababang Kapulungan na pairalin ang conscience vote at huwag ipwersa ang party vote sa oras na mapagbotohan na ang kontrobersyal na bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.