Modus sa recruitment ng mga drug agents nabisto ng PDEA
Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa mga nagpapanggap na recruiter nito at nanghihingi ng hanggang P3,000 na processing fee mula sa mga aplikante.
Ginawa ni PDEA Director General Isidro Lapeña ang babala sa harap ng pagsasamantala ng ilang indibidwal o grupo sa hiring nila ng mga bagong ahente para sa pinag-igting na kampanya laban sa iligal ba droga ng pamahalaan.
Kaugnay nito, Umepela si Lapeña sa publiko na i-report ang mga katulad na insidente sa PDEA hotlines na: 920-0735 at 920-0736.
Ang mga bagong recruit ay magiging bahagi ng Drug Enforcement Officer Basic Course (DEOBC) Class 2017-10.
Para sa detalye ng kwalipikasyon na hinahanap ng PDEA at iba pang impormasyon sa proseso ng aplikasyon, maaaring bisitahin ang kanilang official website; https://pdea.gov.ph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.