Mga pulis na suspek sa pagpatay kay Jee Ick Joo dadalhin sa Angeles City RTC

Sta. Isabel
Inquirer file photo

Nakatakdang iharap ngayon ng PNP Anti-Kidnapping Group ang mga pangunahing suspek sa kidnapping at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.

Nasa custodial center ng PNP si SPO3 Ricky Sta Isabel habang sa AKG detention facilities naman nakapiit si SPO4 Roy Villegas.

Ihaharap ang dalawa para sa return of warrant ng Angeles Regional Trial Court Branch 58 kung saan sila sinampahan ng kaso para sa pagkidnap at pagpatay kay Jee Ick Joo.

Nakalabas na ang convoy ng PNP AKG mula sa Kampo Crame at patungo na sa Angeles City sa lalawigan ng Pampanga.

Ibabalik din sa Kampo Crame ang mga suspek pagkatapos na maiharap sa nasabing korte.

Read more...