Bilang ng mga Pinoy na nagsabing nakararanas sila ng gutom, tumaas
Dumami ang mga Pinoy na nagsabing sila ay nakararanas ng kagutuman batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa huling quarter ng 2016.
Sa survey, lumiat na 13.9 percent ng mga respondents o nasa 3.1 milyong pamilya ang nagsabi na nakararanas sila ng “involuntary hunger” mula Oktubre hanggang Disyembre ng taong 2016.
Mas mataas ito kumpara sa 10.6 percent kumpara sa naging resulta noong September 2016 survey.
Ang Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamaraming respondents na may nagsabing sila ay nakararanas ng gutom o nasa 399,000 na pamilya.
Sa nasabi ring survey, nasa 637,000 na pamilya ang nagsabing sila ay nakararanas ng “severe hunger” o madalas na pagkagutom sa loob ng nasabing huling tatlong buwan ng taong 2016.
Isinagawa ang survey mula December 3 hanggang 6, 2016, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,500 adults sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.