Cha-Cha, pinatututukan na ni Pangulong Duterte sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali January 24, 2017 - 10:14 AM

phl_congressMayroon nang marching order si Pangulong Rodrigo Duterte kay House Speaker Pantaleon Alvarez para tutukan na ang panukalang Charter Change o Cha-Cha, na magbabago sa sistema ng gobyerno tungo sa federalism.

Kinumpirma ni Alvarez na sa pag-uusap nila ng presidente sa birthday party ni PNP chief Ronald Dela Rosa ay isa lamang ang ini-request nito sa kanya.

Ito ay ang pagtutok na ng mababang kapulungan sa pagbabago ng Saligang Batas para maging federal na ang sistema ng pamahalaan mula sa kasalukuyang presidential system.

Batay pa sa naging usapan nila ni Pangulong Duterte, sinabi ni Alvarez na inaasahan niyang ilalabas na nito ang appointment ng mga bubuo ng Constitutional Commission.

Ang Con-Comm ang maglalatag ng draft ng mga amyenda sa Konstitusyon sa loob ng anim na buwan, na gagamiting basehan naman ng trabaho ng Kongreso sa oras na mag-convene ang mga mambabatas bilang Constituent Assembly o Con-Ass.

Paliwanag ni Alvarez, ang utos ng pangulo na tutukan ang Cha-Cha ay bunsod nakikita nitong problema sa bansa na maaaring matugunan lamang sa ilalim ng federal system ng gobyerno.

Isa aniya sa mga suliranin ay ang extremism lalo na sa Mindanao, na rehiyong pinagmulan ni Duterte.

 

 

TAGS: Cha-Cha, Constituent Assembly, constitution, federalism, Cha-Cha, Constituent Assembly, constitution, federalism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.