Limang sasakyan, nagkarambola sa EDSA

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2017 - 09:44 AM

edsa trafficNagdulot ng maagang pagsisikip sa daloy ng traffic sa EDSA ang aksidenteng kinasangkutan ng limang sasakyan sa P.Tuazon tunnel.

Ayon kay Ernie Fabia ng MMDA Metrobase, naganap ang aksidente alas 5:45 ng umaga sa bahagi ng EDSA-P.Tuazon tunnel southbound.

Sangkot sa nasabing aksidente ang isang L300 van, isang pick-up at tatlong kotse.

Bagaman isang linya lang ang okupado ng aksidente, nagdulot pa rin ito ng maagang pagsisikip sa daloy ng traffic sa EDSA southbound.

Ayon sa MMDA, umabot pa hanggang sa EDSA-Quezon Avenue ang tail-end ng traffic para sa mga sasakyang patungong Makati City.

Halos kasabayan din ng nasabing aksidente ang isa pang aksidenteng sangkot naman ang motorsiklo at delivery van na nangyari malapit sa southbound din ng EDSA-Santolan flyover.

 

 

TAGS: accident, edsa, EDSA traffic, mmda, accident, edsa, EDSA traffic, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.