Mga mag-aaral mula sa Albay, nag-uwi ng karangalan para sa bansa

August 13, 2015 - 05:45 AM

Photo Contributed by Ligao National HS
Photo Contributed by Ligao National HS

Umuwing kampyon ang Ligao National High School Voice Chorale mula sa 4th Bali International Choir Festival sa Bali, Indonesia.

Bagaman ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumali sa isang international contest ang nag-iisang kinatawan ng Pilipinas na binubuo ng 21 estudyanteng may edad 14 hanggang 18, pinalad pa rin silang manalo laban sa mga choirs mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Sa unang round, nakakuha sila ng 34 points mula sa judges para sa folklore category laban sa 14 na choirs, at 33.60 points naman sa teenager category kung saan 22 choirs ang nakalaban nila.

Nakaungos sila sa championship rounds kung saan nakakuha sila ng 87.5 points para sa teenage choir category at 90 points sa folklore category.

Humakot ng apat na tropeyo, apat na medalya at limang certificates ang nasabing choir na natalo ang siyam na nakalaban nilang champions.

Ayon kina Carmelita A. Sinson na principal ng LNHS at choir manager at Celger Villacampa Venzon, ilang buwan ng matinding paghahanda ang pinagdaanan ng mga mag-aaral bago tumungtong sa entablado.

Noong nakaraang taon naman ay nanalo sila sa National Music Competition for Young Artists’ mixed voices category na ginanap sa Cultural Center of the Philippines.

Labis na ikinagalak ni Department of Education (DEPED) regional director Ramon Fiel Abcede na sinabing nagsi-silbing inspirasyon ang tagumpay ng mga estudyante para sa mga kabataan, kaya’t naniniwala si Abcede pati na rin si Ligao Mayor Patricia Gonzalez-Alsua na karapatdapat silang bigyang papuri at insentibo./ Kathleen Aenlle 

TAGS: Ligao National High School Voice Chorale, Ligao National High School Voice Chorale

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.