Pag-alis ng US sa Trans-Pacific Partnership deal, unang EO ni Trump

By Kabie Aenlle January 24, 2017 - 04:15 AM

 

trump tppNilagdaan na ni US President Donald Trump ang kaniyang kauna-unahang executive order na pormal na nag-aalis sa United States sa Trans-Pacific Partnership (TPP) trade deal.

Ayon kay Trump, ang pag-lagda niya dito ay isang malaking bagay para sa mga American workers.

Ang TPP ay isang kasunduang nabuo sa ilalim ng administrasyon ni dating President Barack Obama, ngunit hindi ito naratipikahan sa US Congress.

Dahil dito, hindi ito inaasahang magkaroon ng malaking epekto sa ekonomiya ng Amerika, ngunit maari lang magkaroon ng bahagyang pagbabago sa paraan ng kalakalan nito.

Kasama ng US na lumagda dito ang mga bansang Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore at Vietnam.

Binubuo ng 12 bansang ito ang 40 percent ng ekonomiya ng buong mundo, gayunman, “potential disaster” ang tingin dito ni Trump kaya ikinalas na niya dito ang US.

Samantala bukod dito, pinirmahan din ni Trump ang kautusan na nagpapatupad ng federal hiring freeze, maliban sa military, at ang isang direktibang nagbabawal sa US non-governmental organizations na nagsasagawa ng abortion na makatanggap ng federal funding.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.