Binigyan ng 15 araw si Sen. Leila De Lima para sagutin ang dalawang ethics complaints na inihain laban sa kanya.
Ito ay matapos magdesisyon ang komite na pinamumunuan ni Majority Leader Tito Sotto na may basehan ang reklamo ng pamunuan ng mababang kapulungan at ng isang Atty. Abelardo De Jesus.
Bagaman magkahiwalay, halos iisa ang ipinupunto ng dalawang reklamo – ang diumano’y payo ni De Lima sa kanyang dating driver bodyguard na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa pag-iimbestiga ng mababang kapulungan ukol sa Bilibid illegal drug trades.
Paliwanag ni Sotto pag aaralan nila ang magiging paliwanag ni De Lima at dito malalaman kung magsasagawa sila ng public hearing o tuluy -uloy ang gagawing pagdinig ng kanyang komite.
Samantala ibinasura naman ang naunang reklamo ni De Jesus laban pa rin kay De Lima dahil sa kawalan ng hurisdiksyon sa katuwiran na hindi pa senador si De Lima nang maganap ang ibinibintang sa kanya.