3 pulis patay, 20 sugatan sa aksidente sa South Cotabato

 

Mula sa Google Maps

Patay ang tatlong pulis sa aksidente sa kahabaan ng ng national highway sa Barangay Silay sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Koronadal City police director Supt. Barney Condes, tatlong opisyal at mga police trainees ang katatapos lamang sa isang schooling course sa Police Regional Office 12 sa General Santos City, at patungo sana sila sa Koronadal nang mangyari ang aksidente, Lunes ng hapon.

Kinilala naman ni South Cotabato police provincial director Supt. Franklin Alvero ang mga nasawing pulis na sina SPO2 Arnel Jalis, SPO2 Romar Vistavilla at SPO2 Henry Baliao.

Hindi naman bababa sa 20 police trainees na sakay ng dump truck at pasahero ng Hi-Ace van ang nasaktan sa aksidente.

Nasangkot sa aksidente ang sasakyang minamaneho ni Vistavilla, isang dump truck na pag-aari ng Koronadal City na sinakyan ng mga police trainees na parehong papuntang Koronadal City, ay isang pampasaherong van na patungo namang General Santos.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake ang sasakyan sa dump truck, ngunit bumangga ito sa gilid kaya dumiretso ito sa kabilang lane at sumalpok sa pampasaherong van.

Nilalapatan na ng lunas ang mga sugatan sa Mindanao Medical Center sa General Santos City, sa Polomolok Municipal Hospital at sa Howard Hospital.

Read more...