Peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP, tuloy sa kabila ng panibagong engkwentro sa Cotabato

 

Inquirer file photo

Tiniyak ng palasyo ng Malakanyang na hindi makaapekto sa nagaganap na peace talks sa Rome, Italy sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF ang panibagong engkwentro sa pagitan rebeldeng grupo sa tropa ng militar sa Makilala, North Cotabato noong Sabado.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naka focus kasi ang dalawang panig sa pagselyo sa usaping pangkapayapaan.

Pinabulaanan din ni Abella ang ulat na walong sundalo ang nasawi sa engkwentro.

Ayon kay Abella, base sa ulat ng Armed Forces of the Philippines sa palasyo ng malakanyang, walang sundalo ang napatay habang isang rebelde naman ang nalagas.

Tiniyak pa ni Abella na umiiral pa rin ang ceasefire sa kabila ng pinakabagong engkwentro sa pagitan ng magkabilang panig.

Read more...