Ex-Rep. Mikey Arroyo, sugatan sa aksidente sa Pampanga; pulis na nakabanggan nito, patay
Sugatan ang anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si dating Cong. Juan Miguel “Mikey” Arroyo sa isang vehicular accident sa Bacolor, Pampanga.
Ayon sa pulisya, nakabanggaan ng isang Honda Civic ang Toyota Hilux na sinasakyan ni Arroyo at ng kanyang driver na si John Macaraig.
Dead on the spot ang driver ng Honda Civic na isang pulis na kinilalang si Alexander Villamin.
Bukod kay Arroyo, isa pang pasahero ang sugatan sa aksidente.
Nahirapan ang mga rescuer na iligtas si Villamin dahil na-trap ito sa kanyang sasakyan.
Agad naman isinugod si Arroyo ay driver nito sa Mother of Calcutta Hospital pero inilipat din kalaunan sa St. Luke’s Hospital sa Metro Manila.
Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.