Mga bugok na pulis, sunod na target ni Pangulong Duterte
Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bugok na kagawad ng Philippine National Police.
Sa kanyang talumpati sa Class 61 Reunion sa Ateneo de Davao High School, sinabi ni Duterte na dapat na humanda ang mga pulis dahil sila na ang kanyang sunod na pagtutuunan ng pansin matapos ang problema sa ilegal na droga at korupsyon.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos masangkot si SPO3 Ricky Sta. Isabel at iba pang pulis sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Samantala, pinarerepaso ng pangulo ang ranggo ng mga pulis sa bansa.
Ayon sa pangulo, hindi niya maintindihan ang mga ranggong Senior Police Officer 1, Senior Police Officer 2, Inspector, Chief Inspector at iba pa.
Dapat din aniyang gawing simple na lamang ito at ibalik sa ranggong First, Class, Constable at Sergeant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.