Sanggol, patay sa sunog sa Negros Occidental

By Erwin Aguilon January 23, 2017 - 01:15 PM

Photo from Pontevedra, Negros Occidental MDRRMO
Photo from Pontevedra, Negros Occidental MDRRMO

Patay ang isang tatlong buwang sanggol matapos sumiklab ang sunog sa kanilang bahay sa Purok Caingin, Barangay III, Pontevedra, Negros Occidental.

Nakilala ang sanggol na nasawi na si Cashe Dema-ala.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) natutulog ang bata sa kaniyang crb nang sumiklab ang sunog.

Umalis umano ang ina ng bata at naiwan itong mag-isa sa bahay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire sa bayan ng Pontevedra na faulty electrical wiring ang pinagmulan ng apoy.

 

TAGS: fire incident, Ponteverda Negros Occidental, fire incident, Ponteverda Negros Occidental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.