Kerwin Espinosa at mga pulis na idinadawit sa pagpatay kay Rolando Espinosa Sr., humarap sa hearing sa DOJ

By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2017 - 12:58 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Dumating sa Department of Justice ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa pagpapatuloy ng preliminary investigation ng DOJ panel of Prosecutors nagsumite ng kanyang complaint affidavit si Kerwin na pinanumpaan niya sa harap ng panel na pinamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Lilian Doris Alejo.

Ang mga pulis na akusado sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng selda nito sa Baybay Sub-Provincial Jail sa Leyte noong isang taon ay dumalo din sa pagdinig.

Kabilang dito sina P/Supt. Marvin Marcos, pinuno ng CIDG region 8 noong isinagawa ang raid sa selda ni Espinosa gayundin si P/Chief Insp. Leo Laraga na sinasabing bumaril at nakapatay sa alkalde.

Nagsumite din ang mga ito ng kani-kanilang counter affidavit kasama ang mahigit sa 20 pang pulis na respondents sa kasong multiple murder at perjury na inihain ng NBI na pinanumpaan sa harap ng panel.

Present din sa hearing ang ginamit na testigo ng CIDG na si Paul Olendan para makakuha ng search warrant sa Korte

Ipapagpapatuloy ang preliminary investigation sa February 2 ganap na alas 10:00 ng umaga kung saan inaasahang magsusumite ng sagot ang grupo ni Marcos sa complaint affidavit ni Kerwin.

 

 

 

TAGS: CIDG, DOJ hearing, kerwin espinosa, Marvin Marcos, Rolando Espinosa Sr, CIDG, DOJ hearing, kerwin espinosa, Marvin Marcos, Rolando Espinosa Sr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.