Humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang dalawang dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na inaakusahan ng pagtanggap ng milyung-milyon na suhol mula kay gaming tycoon Jack Lam.
Sina dating Immigration Associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles ay kapwa inaakusahan ng pagtanggap ng P50 milyon mula kay Lam kapalit ng pagpapalaya sa 1,316 illegal Chinese workers sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Clark, Pampanga.
Bagaman imbitado, kapwa naman hindi nakadalo sina Lam sa imbestigasyon at ang retired police official na si Wally Sombero na umano ay nasa Singapore ngayon para magpagamot.
Tiniyak naman ng abogado ni Sombero na ngayong linggong ito ay babalik din agad sa bansa ang kaniyang kliyente.
Present din sa hearing sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Immigration Commissioner Jaime Morente at mga opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).
Sa pagsisimula ng hearing, iknuwento ni Aguirre sa komite noong araw na nilapitan siya ni Sombero at hiniling nito sa kaniya na maging “ninong” siya ni Lam dahil matagal na umanong walang nag-aalaga sa nasabing gaming tycoon.