Resulta ng imbestigasyon sa naging problema ng Galaxy Note 7, inilabas na ng Samsung
Depektibong baterya ang dahilan ng pagkasunog ng mga unit ng Samsung Galaxy Note 7.
Ito ang naging resulta ng isinagawang internal investigation ng Samsung matapos ang matinding kontrobersiya na kanilang naranasan sa Note 7 unit noong nakaraang taon.
Sa kanilang statement, ipinaliwanag ng Samsing na sa unang bersyon ng kanilang Note 7, ang negative electrode ng barterya ay nakitaan ng depekto at ito ang pinagmumulan ng sunog.
Habang sa second version naman ng Note 7 na pinalitan na ng bagong mga baterya mula sa ibang manufacturer ay nakitaan naman ng abnormal welding burrs ang positive electrode ng baterya.
Ang baterya para sa unang set ng SaNote 7 ay gawa ng Samsug SDI, habang ang ikalawang baterya para sa second version ng ntoe 7 ay gawa naman ng Chinese battery manufacturer na Amperex Technology built.
Dahil sa naranasang problema, sinabi ng Samsung na magkakaroon na sila ng tinatawag na “8 Point Battery Safety Check” sa kanilang mga inilalabas na unit.
Kabilang dito ang pagsasagawa ng durability test, visual inspection, X-ray test, charge and discharge test, leak detection test, disassembling test, accelerated usage test, at ang pinakahuli ay comparing battery voltage test.
Sa isinagawang internal investigation, 700 researchers at engineers ang sumuri sa mahigit 200,000 devices at mahigit 30,000 na baterya para matukoy ang naging problema ng Note 7 phones.
Umabot sa 2.5 million Note 7 phones ang binawi ng Samsung sa merkado noong Setyembre dahil sa nasabing problema.
Bagaman naglabas ng bagong bersyon na Note 7s, nakaranas din ito ng problema kaya noong Oktubre, itinigil na ng Samsung ang produksyon at paglalabas nito sa merkado.
Dahil sa nasabing problema, umabot sa $5.3 billion ang nawalang kita sa Samsung.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.