Prime Minister ng Israel, inimbitahan ni Trump na bumista sa White House

donald-trumpInimbitahan ni US President Donald Trump si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na bumista sa Washington sa susunod na buwan ng Pebrero.

Sa pamamagitan ng tawag sa telepono, inanyayahan ni Trump si Netanyahu na bumisita sa White House para matalakay nila ang kahalagahan ng pagpapatibay pa ng US-Israeli relationship.

Ayon sa inilabas na statement ng White House, nagkasundo ang dalawang lider na ipagpatuloy ang close coordination ng dalawang bansa para matugunan ang regional issues kabilang na ang banta na hatid ng bansang Iran.

Sinabi ni Trump na bagaman ang pagresolba sa sigalot sa pagitan ng Israel at Palestinians ay nasa pagitan lamang ng dalawang nagbabangayang bansa, ang Estados Unidos naman ay handang tumulong sa Israel upang makamit ang kapayapaan.

Patuloy naman ang pag-aaral ng administrasyon ni Trump sa planong paglilipat ng embahada ng US na nasa Tel Aviv, Israel.

Ayon kay White House spokesman Sean Spicer, pinag-uusapan pa kung itutuloy na ilipat sa Jerusalem ang embahada ng US.

 

 

Read more...