Malaking bahagi ng bansa, uulanin ngayong araw dahil sa tail-end ng cold front at Amihan

By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2017 - 06:44 AM

Inulan simula pa kagabi ang Metro Manila at ang mga kalapit nitong lalawigan.

Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ngayong maghapon ang hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa tail-end ng cold front na umiiral sa eastern section ng Southern Luzon at sa Amihan naman ang naka-aapekto sa Northern at Central Luzon.

Sa pagtaya ng panahon, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ngayong araw sa Metro Manila, sa mga rehiyon ng Bicol at Davao at sa mga lalawigan ng Aurora, Rizal, Laguna, Quezon at Samar.

Mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Habang bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan na may isolated na rainshowers at thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.

 

TAGS: Northeast monsoon, tail end of coldfront, Weather in Philippines, Northeast monsoon, tail end of coldfront, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.