Ilang miyembro ng Gabinete, pupuntang China upang talakayin ang 15-B pangako nito sa Pilipinas
Magpapadala si Pangulong Rodrigo Duterte ng ilang miyembro ng kaniyang Gabinete sa China para sa pagpupulong tungkol sa mga investment deals at pati na rin sa pagiging chairman ng Pilipinas sa Association of South East Asian Nations (ASEAN).
Ayon sa Department of Finance, tutungo ang Finance, Budget, Economic, Public Works at Transport secretaries ng pamahalaan sa China mula January 23 hanggang 24 para makipagpulong kay Chinese Vice Premier Wang Yang at iba pang mga opisyal ng China.
Tatalakayin dito ang $15 bilyong halaga ng investment pledges na ipinangako ng China sa Pilipinas nang bumisita ang pangulo sa kanilang bansa noong Oktubre.
Naroon din si Energy Sec. Alfonso Cusi para naman plantsahin at paigtingin ang aniya’y energy cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Samantala, nakatakda namang muling bumisita si Dutete sa China sa Mayo para sa isang bilateral summit, na kinumpirma mismo ni Vice Foreign Minister Liu Zhenmin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.