Hustisya para kay Jee Ick-joo, tiniyak ng Malacañang

 

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na mabibigyang hustisya ang pagdukot at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick-joo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ikinagalit nila ang pagdukot at pagpatay kay Jee, na ginawa pa sa loob ng Camp Crame.

Giit ni Abella, tinitiyak nila na walang mangyayaring whitewash o cover-up sa imbestigasyon kaugnay ng nangyari kay Jee.

Aniya pa, hindi nila kinukunsinte ang mga tiwali, abusado at palpak na pulis na tumatraydor sa Philippine National Police (PNP) at kanilang mga kapwa pulis na tapat na nagsisilbi sa bayan.

Read more...