Santo Papa, nagbabala sa paglutang ng mala-‘Hitler’ na mga lider

By Jay Dones January 23, 2017 - 04:23 AM

 

pope francis holy doorNagbabala si Pope Francis sa mamamayan sa buong mundo na mag-ingat sa pagsuporta sa mga tinaguriang mga ‘populist leaders’ dahil sa posibilidad na mahalintulad ito sa nangyari sa Germany nang mailuklok sa puwesto ang diktador na si Adolf Hitler.

Sa isang panayam ng pahayagang ‘El Pais’ ng Spain, ipinaliwanag ni Pope Francis na maituturing na pinaka-mainam na halimabawa ng ‘European populism’ ay ang bansang Germany noong taong 1933.

Ayon sa Santo Papa, nang nasa ilalim ng matinding krisis ang naturang bansa, dumating ang isang ‘karismatikong’ lider na nagngangalang ‘Adolf Hitler’ na nagbitiw ng maraming pangako sa kanilang mamamayan.

Nangako rin ito aniya na ibabalik ang nawalang pagkakakilanlan o ‘identity’ ng kanilang bayan.

Ngunit aniya, sa halip na maibalik, sinira pa nito ang kanyang bansa.

“Hitler did not steal power, he was elected by his people and then he destroyed his people.” Pahayag ng Santo Papa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.