12 barangay sa Maguindanao, lubog pa rin sa baha
Nananatiling lubog sa baha ang ilang barangay sa Pagalungan, Maguindanao.
Umabot sa 8,234 na pamilya mula sa labing dalawang barangay sa Pagalungan ang apektado ng pagbaha.
Bagaman gumanda na ang panahon sa Maguindanao, hindi pa rin humuhupa ang pagbaha na inaasahang tatagal pa ng dalawang linggo.
Noong nakaraang linggo, ilang lugar sa Visayas at Mindanao ang nakaranas ng malakas na buhos ng ulan bunsod ng tail end of a cold front.
Bukas, inaasahang magpapasa ng resolusyon ang lokal na pamahalaan ng Pagalungan para mailagay sa state of calamity ang labing dalawa sa kanilang mga barangay na limang araw nang lubog sa baha.
Samantala, nakatanggap na ng food packs na may limang kilong bigas, sardinas at noodles ang anim na daang pamilya sa Barangay Inug-ug ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.