Jeff Horn, ibinida na kaya niyang saktan at mapatumba si Manny Pacquiao

SPORTS
INQUIRER FILE PHOTO

Naniniwala ang Australian boxer na si Jeff Horn na hindi lamang niya matatalo si Pambansang Kamao Manny Pacquiao, kundi magagawa pa niya itong i-knock-out.

Sa panayam ng Fox Sports Australis, sinabi ni Horn na ang kanyang ‘punching power’ ang nagpapatunay na magiging mapanganib siya na katunggali ni Pacman.

Giit ni Horn, mayroon siyang kapangyarihan para masaktan at mapatumba ang eight division world champion.

Isa aniya siyang heavy puncher kung kaya malaki ang tsansa na maiuuwi niya ang world title sa Australia.

Bagaman hindi first choice si Horn dahil marami ang umasa na ang sunod na makakalaban ni Pacquiao ay si Terence Crawford, kumpiyansa ang 2012 London Olympian na mapapabagsak niya ang Filipino ring icon.

Si Horn ang ikaapat na makakaharap ni Pacquiao sa boxing ring.

Posibleng maganap ang laban ng dalawa sa Australia na hometown ni Horn sa April 22.

Read more...