Cong. Acop, hinimok si PNP Chief Bato na maghain ng courtesy resignation
Hinahamon na rin ng isa pang lider ng Kamara si Philippine National Police o PNP CHief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maghain na courtesy resignation sa lalong madaling panahon.
Ito’y sa gitna ng panawagan kay dela Rosa na magbitiw na sa pwesto dahil sa pagkamatay ng Korean businessman na si Jee Ick-Joo sa loob mismo ng Kampo Krame na kagagawan umano ng mga pulis sa pangunguna ni SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Ayon kay House Committee on Public Order and Safety Chairman at Antipolo Rep. Romeo Acop, mas makabubuti kung magte-tender na si dela Rosa ng courtesy resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bahala na aniya ang presidente kung tatanggapin ito o hindi.
Ani Acop, sakaling mangyari raw sa kanya ang kinakaharap ni General Bato, hindi na raw niya hahayaaan pa si Duterte na magpasya sa mga rekumendasyon o panawagan ng mga tao dahil siya na umano ang kusang aalis sa posisyon.
Paliwanag ni Acop, na dating PNP official, sadyang nakakahiya ang kaso dahil mismong sa PNP national headquarters naisakatuparan ang krimen at hindi mga sibilyan kundi mga pulis ang gumawa nito.
Naniniwala naman ang kongresista na nakaligtaan ng PNP na bigyang-prayoridad ang paglilinis sa kanilang ranks, nang magdeklara ng war against drugs si Pangulong Duterte.
Pero hindi pa umano huli ang lahat, at sa halip, ang paglilinis sa hanay ng mga commnader hanggang sa mga pulis ay dapat matutukan at maituloy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.