SPO3 Ricky Sta Isabel, nagsumite ng salaysay sa NBI na magpapatunay na inosente sa pagpatay kay Jee Ick Joo

By Mariel Cruz January 22, 2017 - 02:10 PM

sta.-isabelNagsumite na sa National Bureau of Investigation si SPO3 Ricky Sta Isabel at asawang si Jinky ng mga ebidensya na magpapatunay na siya ay inosente sa pagdukot at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Ito ang inihayag ni Department of Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.

Ayon pa kay Aguirre, isinumite ni Sta Isabel ang kanyang affidavit sa NBI bago pa ilipat ang kustodiya nito sa Philippine National Police noong Biyernes.

Nakasaad aniya sa salaysay ni Sta Isabel na biktima lamang siya ng frame-up at wala siyang kinalaman sa pagpatay sa Koreano.

Iginiit din ni Sta Isabel sa naturang salaysay na wala siya sa Angeles City, Pampanga noong October 18, 2016 kung kailan naganap ang pagdukot kay Jee dahil nasa pulong siya kasama si Supt. Raphael Dumlao na team leader ng PNP Anti-Illegal Drugs Group.

Sinabi din ni Aguirre na binanggit din si Sta Isabel sa kanyang affidavit na inutusan pa siya ni Dumlao na samahan ang anak nito sa pagpunta sa isang bookstore kung saan ipinakita pa nito ang resibo.

Ipinakita naman aniya ng asawa ni Sta Isabel na si Jinky ang mga larawan na kuha mula sa CCTV na magpapatunay na hindi niya pag-aari ang Toyota Hilux na ginamit sa pangingidnap kay Jee.

Iginiit ni Jinky na gumamit ng pekeng license plate ang Toyota Hilux na nakita sa CCTV na ginamit sa pagdukot sa Koreano.

Bukod dito, sinabi din ni Sta Isabel na inutusan siyang patayin ang kasambahay ni Jee pero hindi niya ito ginawa, at sa halip ay pinakawalan na lamang niya ito at binigyan ng pamasahe pauwi.

Ayon kay Aguirre, dapat tignan at suriin ang mga salaysay ng mag-asawa na iginiit na piniframe-up lamang si Sta Isabel.

Kung talagang killer aniya si Sta Isabel, hindi na nito dapat pinakawalan ang kasambahay na alam niyang maaari siyang makilala at ituro sa otoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.