Ito ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson, na dating naging pinuno ng PNP, sa mga panawagan na magbitiw na sa puwesto si Dela Rosa.
Ayon pa kay Lacson, napakataas ng tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dela Rosa at kabisado na nito kung paano babasahin ang presidente.
Importante aniya ito lalo na’t nagpapatuloy ang pinaigting na kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa iligal na droga.
Alam din aniya ni Dela Rosa kung ano ang dapat at hindi dapat sundin sa mga nagiging utos at pahayag ni Duterte.
Sinabi ni Lacson na mas gugustuhin niyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Dela Rosa na kilala bilang masipag na opisyal kesa pababain sa puwesto.
Nag-ugat ang mga panawagan na dapat nang magbitiw sa puwesto ang PNP chief matapos mabunyag na pinatay ang Koreanong si Jee Ick Joo sa loob mismo ng national headquarters ng PNP sa Camp Crame.