‘Dapat bigyan ng second chance si Dela Rosa’ -Lacson

By Mariel Cruz January 22, 2017 - 02:09 PM

lacson-1123-620x349Karapat dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon si Philippine National Police chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ito ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson, na dating naging pinuno ng PNP, sa mga panawagan na magbitiw na sa puwesto si Dela Rosa.

Ayon pa kay Lacson, napakataas ng tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dela Rosa at kabisado na nito kung paano babasahin ang presidente.

Importante aniya ito lalo na’t nagpapatuloy ang pinaigting na kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa iligal na droga.

Alam din aniya ni Dela Rosa kung ano ang dapat at hindi dapat sundin sa mga nagiging utos at pahayag ni Duterte.

Sinabi ni Lacson na mas gugustuhin niyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Dela Rosa na kilala bilang masipag na opisyal kesa pababain sa puwesto.

Nag-ugat ang mga panawagan na dapat nang magbitiw sa puwesto ang PNP chief matapos mabunyag na pinatay ang Koreanong si Jee Ick Joo sa loob mismo ng national headquarters ng PNP sa Camp Crame.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.