Ito ay sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagbibisikleta mula Luneta patungong Silang, Cavite.
Aabot sa mahigit isanlibong siklista ang nakiisa sa “Commemorative Ride for the Heroes” kabilang na ang mga pulis at ilang pamilya ng SAF 44.
Nagsimula ang naturang programa kaninang alas sais ng umaga kung saan nag-alay ng bulaklak at dasal ang PNP para sa nasawing SAF commandos Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Mula Luneta Park sa Maynila, nagbisikleta ang mga nakiisa sa programa patungon Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.
Ilan sa dinaanan ng kanilang ruta at ang SAF headquarters sa Taguig, SM Sta Rosa at SAF Training School sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.
Sa January 25 ay gugunitain ang ikalawang anibersaryo ng Mamasapano encounter kung saan kabuuang animnapung indibiduwal ang nasawi kabilang na ang SAF 44.