Commemorative bike ride, isinagawa ng PNP bilang paggunita sa ikalawang anibersaryo ng Mamasapano encounter

By Mariel Cruz January 22, 2017 - 12:41 PM

mamasapanoTatlong araw bago ang ikalawang taong anibersaryo ng Mamasapano encounter, ginunita ng Philippine National Police ang apatnapu’t apat na miyembro ng Special Action Force na nasawi sa madugong engkwentro.

Ito ay sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagbibisikleta mula Luneta patungong Silang, Cavite.

Aabot sa mahigit isanlibong siklista ang nakiisa sa “Commemorative Ride for the Heroes” kabilang na ang mga pulis at ilang pamilya ng SAF 44.

Nagsimula ang naturang programa kaninang alas sais ng umaga kung saan nag-alay ng bulaklak at dasal ang PNP para sa nasawing SAF commandos Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Mula Luneta Park sa Maynila, nagbisikleta ang mga nakiisa sa programa patungon Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.

Ilan sa dinaanan ng kanilang ruta at ang SAF headquarters sa Taguig, SM Sta Rosa at SAF Training School sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.

Sa January 25 ay gugunitain ang ikalawang anibersaryo ng Mamasapano encounter kung saan kabuuang animnapung indibiduwal ang nasawi kabilang na ang SAF 44.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.