Pangulong Duterte, nais buksan ang Mamasapano encounter case

By Mariel Cruz January 22, 2017 - 12:39 PM

duterte malacanangHumingi ng update si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice sa lagay ng kasong may kinalaman sa Mamasapano encounter na ikinasawi ng animnapung katao kabilang na ang apatnapu’t apat na miyembro ng PNP-Special Action Force.

Ayon kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II, nais ni Pangulong Duterte na buksan ang naturang kaso at malaman ang anumang update ukol dito.

Ang naturang kaso ay laban sa walumpu’t walong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at private armed groups.

Kinasuhan ng direct assault ang limang commanders na sina Abdulrahman Abdulrakman Upan, Rakman ng 118th MILF, Refy Guiaman, Anife at Haumves alias Haves, operation commander ng 105th MILF Base Command at walumpu’t tatlong iba pa.

Sinabi ni Aguirre na noong nakaraang Disyembre, inatasan ang Cotabato local court na magsumite ng karagdagang ebidensya kabilang na ang birth certificates ng ilan sa mga akusado.

Bukod dito, inatasan din ng DOJ ang kanilang prosecutors na ilipat ang pagdinig sa kaso sa Maynila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.