23 patay sa train crash sa India

By Mariel Cruz January 22, 2017 - 09:43 AM

IndiaPatay ang hindi bababa sa dalawampu’t tatlo katao habang mahigit isandaan ang sugatan matapos madiskaril ang isang express train sa India, gabi ng Sabado.

Ayon sa tagapagsalita ng East Coast Railways, walong bagon ng Jagdalpur-Bhubaneswar Express ang nadiskaril bandang 11 ng gabi malapit sa Kuneru railway station sa Vizianagram district.

Naisugod sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatang biktima habang isa-isang kinukuha ng rescue workers ang mga katawan ng nasawi.

Wala naman ibinigay na impormasyon ang otoridad ukol sa naging sanhi ng pagkadiskaril ng tren at maging sa mataas na bilang ng mga pasaherong naapektuhan ng insidente.

Nabatid na patungong Bhubaneswar mula Jagdalpur City ang naturang tren nang maganap ang aksidente.

Dahil sa insidente, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng naturang railway.

Una rito, nadiskaril din ang isang express train noong Biyernes sa Western Rajasthan kung saan marami din ang pasaherong nasugutan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.