22 patay, 50 sugatan sa bomb attack sa Pakistan

By Angellic Jordan January 22, 2017 - 09:40 AM

PakistanIkinasawi ng 22 katao habang 50 naman ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang palengke sa bahagi ng hilangang kanluran ng Parachinar, Pakistan.

Ayon kay Shadid Khan, assistant tribal administrator, sumabog ang naturang bomba habang namimili ang mga residente ng gulay at prutas sa isang wholesale shop.

Inamin naman ng militanteng grupong Lashker-e Jhangvi na sila ang responsable sa bomb attack.

Sa isang text message, sinabi ng tagapagsalita ng bandidong grupo na si Ali Sufyan na katuwang ng grupo sa bomb attack ang Shahryar group ng Mahsud Taliban.

Samantala, sinabi ni Shiite leader Faqir Hussain na dinala na ang mga labi ng mga nasawing biktima para sa isang inialay na funeral prayer sa Shiite mosque.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang pag-atake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.