Bunsod ito ng pananatili ng disaster warning sa Mindanao at Visayas dulot ng patuloy ng nararanasang pag-ulan.
Sa kabila ng katamtamang pag-ulan, sinabi ni NDRRMC executive director Ricardo Jalad na asahan pa rin ang pag-angat ng tubig sa Cabuyan, Bato at Pajo river sa Catanduanes.
Inabisuhan rin ang mga lugar sa Lower Kilbay, Catabangan, Ragay, Tinalud, Matnog, Tambang at Lagonoy sa Camarines Sur at maging ang mga bayan ng Labo, Daet at Basud sa Camarines Norte.
Maliban dito, itinaas na rin ang flood warning sa Lower Donsol, Ogod, Putiao, Cadacan, Banuang-Duan at Fabrica (Tugbugan) sa Sorsogon.
Sa Masbate naman, ipinaaalerto rin ang mga residente sa Lanang Mapayawan Mandaong, Asid, Malbag, Guiom, Nainday, Daraga, Nauco (Aguada) at Beleno.
Sa 12-hour rainfall forecast ng ahensiya, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang patuloy na mararanasan sa mga naturang rehiyon.
Ayon naman kay PAGASA weather forecaster Obet Badrina, magiging maulap na may kasamang mahinang pag-uulan ang mararanasan sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon habang isolated rainshowers naman sa Visayas at Mindanao.
Gayunman, walang namamataang low pressure area ang ahensiya sa bisinidad ng Philippine area of responsibility.