Malakanyang, sinigurong hindi mauulit ang Mendiola Massacre sa ilalim ng Duterte Administration
Siniguro ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi mauulit ang Mendiola Massacre na naganap noong 1987 sa ilalaim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Panelo, hindi ito mangyayari sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil aniya pinapayagan ng gobyerno ang pagkakaroon ng mga kilos protesta sa mga lansangan para malayang maibulalas ng publiko kanilang mga hinaing sa pamahalaan.
Naganap ang Mendiola Massacre sa Mendiola, Manila noong January 22, 1987 kung saan nagpaputok ng baril ang mga naturang security force para ma-disperse ang mga nagpoprotestang mga magsasaka na nagartsa patungong Malacañang dahil sa kakulangan ng aksyon ng gobyerno kaugnay ng reporma sa lupa.
Kaugnay nito, hindi baba sa 13 na mga napoprotesta ang namatay habang marami ang nasugatan dahil sa naging marahas na dispersal ng mga security force noong panahong iyon.
Dagdag pa ni Panelo na ang nasabing isyu ay tinutugunan na ng kasalukyang administrasyon.
Sianbi rin ni Panelo na irerespeto ang karapatang ng mga mamamayan na sabihin ang kanilang mga hinaing laban sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.