Gobyerno at NDF, lumagda ng joint monitoring committee guidelines

By Rod Lagsuad January 22, 2017 - 05:56 AM

 

Photo from Atty. Edre Olalia
Photo from Atty. Edre Olalia

Lumagda ang gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ng isang supplemental guidelines para sa operasyon ng joint monitoring committee (JMC) sa ilalim ng Comprehensive Agreement for the Respect of Human Rights and International Humanitarian Laws (CARHRHIL).

Sa pamamagitan ng full operation ng JMC ay maiimbestigahan na ang mga ulat na paglabag sa karapatang pantao sa pwersa ng gobyerno o maging sa pwersa ng komunistang grupo ng isang independent body na binubuo ng mga kinatawan ng gobyerno at NDFP.

Ang naturang supplemental guidelines na nakabatay sa JMC framework na napagkasundunan noong 1998 ay nilagdaan sa ikatlong round ng peace negotiations sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at NDFP sa Holiday Inn Rome – Eur Parco de Medicin sa Italy.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III na nagsisilbing peace panel chairman ng gobyerno ng Pilipinas ay magiging  madali na lang ang full operation ng JMC kasama ang naturang supplemental guidelines sa ilalim ng ating legal regime na siyang nagtataguyod ng human rights at international humanitarian laws, tulad ng batas laban sa enforced disappearance, anti-torture act, international humanitarian laws, Human Security Act, writ of amparo, writ of kalikasan at iba pa.

Dagdag pa ni Bello na ang naturang paglagda sa supplemental guidelines ay isang “concrete dividend” ng ikatlong round ng naturang usapang pangkapayapaan.

Sinabi rin ni NDFP peace panel chairman Fidel Agcaoili na ang naging paglagda ng dalawang panig ay nagpapakitang lang ng commitment ng Duterte administration sa pagbuo ng isang peace agreement sa naturang makakaliwang grupo.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CARHRHIL, eace agreement, italy, joint monitoring committee, National Democratic Front of the Philippines, ndfp, peace agreement, Pilipinas, CARHRHIL, eace agreement, italy, joint monitoring committee, National Democratic Front of the Philippines, ndfp, peace agreement, Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.