38 sugatan sa sunog sa isang nightclub sa Romania

courtesy of galantis.com

Nasunog ang sikat na nightclub na Bamboo nightclub sa Bucharest, Romania na siyang ikinasugat ng 38 katao kung saan isa sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan habang wala namang naiulat na nasawi.

Ayon kay Senior Emergency Situations Official Raed Arafat, na isa sa mga biktima ay malubhang nasugatan habang nasa aabot sa kalahati na bilang ng mga biktima ang sila na mismong nagpunta sa mga ospital para sa atensyong medikal.

Kaugnay nito, nanatili pa rin sa ospital ang aabot sa kalahating dosena ng mga biktima.

Ilan sa mga biktima ay dumanas ng intoxication mula sa usok habang ang iba naman ay nasugatan dahil sa pagtalon mula sa nasusunog na nightclub.

Sa kasalukyan inaalam pa ang sanhi ng naturang sunog habang may mga unconfirmed reports na may mga taong naninigarilyo sa lugar na siyang ilegal kung kaya naglunsad na isang inquiry kaugnay ng insidente.

Aabot sa 20 ambulansya ang agad na rumesponde sa lugar upang saklolohan ang mga biktima.

Sinabi naman ni Bogdan Oprita, coordinator ng ambulance service sa lugar na ay mga ilan na dumanas ng hypothermia dahil sa pagmamadaling makalabas nasabing nightclub ng hindi dala ang kanilang mga coats kung saan aabot sa -12 Celsius ang temperatura lugar.

Noon lang October 2015 ay nasa 64 katao ang namatay sa sunog na naganap sa isang nightclub sa Bucharest na siyang itinuturing na pinakamalalang sunog sa Romania.

Read more...