Recto: Gripo imbes na condom ang dapat paglaanan ng pondo ng DOH at DepEd

By Rohanisa Abbas January 21, 2017 - 05:49 PM

Ralph-Recto-0530Hinimok ni Senate Minority Leader Ralph Recto ang Department of Education(DepEd) at Department of Health (DOH) na bigyang-pansin din ang mga paaralan na walang supply ng tubig.

Sinabi ni Recto na dapat maging determinado rin ang dalawang kagawaran na magtulungang magtayo ng water facilities sa 46,739 public elementary schools gaya ng ng pagsulong ng mga ito sa pamimigay ng condom sa mga estudyante.

Dagdag ni Recto, maliit na bahagi lamang ng 493,669 na silid-aralan sa buong bansa ang may palikuran.

Aniya, tinatayang nasa limang milyong estudyante ang apektado nito.

Sinabi rin ng senador na apektado rin nito ang school feeding program ng pamahalaan na para dapat sa 1.9 milyong underweight na estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 6.

Batay naman sa ulat ng DepEd noong March 2016 ay umaabot sa 3,628 sa 46,739 na paaralan sa bansa ang walang tubig habang 8,109 naman ang umaasa lamang sa tubig-ulang naiimbak nito.

TAGS: Condom, deped, doh, Recto, Condom, deped, doh, Recto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.