
Matapos ang tatlong taon makaraang maipasa bilang ganap na batas, pormal nang inilunsad ngayong araw na ito ang Implementing Rules and Regulations ng Cybercrime Prevention Act.
Ang seremonya ay pinangunahan nina Justice Secretary Leila de Lima, DOST Secretary Mario Montejo at DILG Undersecretary Edwin Enrile.
Nakasaad sa IRR na limampung milyong piso ang ilalaang pondo taun-taon para sa pagpapatupad ng batas at ito ay ilalagay sa pamamahala ng DOJ-Office of Cybercrime.
Ilan sa mga krimeng nasa ilalim ng Cybercrime Law ay illegal access o iligal na pagpasok sa isang computer system, cybersquatting o pagkuha ng isang domain name sa internet na ang layunin ay manira ng reputasyon o para mapagkaitan ang iba na makapagparehistro sa nasabing pangalan, cybersex, pornography, pati na ang kontrobersyal na e-libel.
Nakasaad din sa IRR ang paglikha ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na nasa ilalim ng mga opisyal mula sa Information and Communications Technology Office ng DOST, NBI, PNP at kinatawan mula sa pribadong sektor at non-government organization.
Matatandaang October 9, 2012 nang magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa Cybercrime Law at noong February 18, 2014, naglabas ito ng desisyon na nagdedeklarang constitutuonal ang probisyon na nagtatakda ng parusa sa orihinal na may-akda ng isang libelous post.
Idineklara namang unconstitutional ang mga sumusunod na probisyon:
– Section 4-c-3 na nagpapataw ng parusa sa mga unsolicited commercial communications
– Section 12 na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga otoridad na kumulekta o magrecord ng traffic data in real-time
– Section 19 na nagbibigay ng kapangyarihan sa DOJ na maghigpit o mag-block ng access sa computer data na natuklasang lumalabag sa probisyon ng Cybercrime Law
Ang IRR sa Cybercrime Law ay magkakabisa labinlimang araw pagkatapos mailathala ang panuntunan sa dalawang pahayagan na may general circulation.Ricky Brozas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.