Nakahanda na si Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa na magbitiw sa pwesto.
Tugon ito ni dela Rosa sa panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magbitiw na siya dahil sa pagdukot at pagpatay ng ilang mga pulis sa Korean hanjin Executive na si Jee Ick Joo.
Sa birthday shootfest sa Quezon City, sinabi ni dela Rosa na personal niyang kakausapin si Pangulong Rodrigo Duterte hingil sa nasabing bagay.
Hindi na rin umano niya kailangang gumawa ng resignation letter dahil tatanggapin naman niya kung anuman ang maging desisyon ng pangulo,
Sinabi rin ni dela Rosa na hindi niya maintindihan kung galit ba sa kanya si Speaker Alvarez na naghayag na dapat na siyang bumaba sa posisyon.
Bukas ay nakatakdang dumalo ang pangulo sa birthday celebration ni dela Rosa sa Camp Crame sa Quezon City
Ayon pa kay dela rosa, sa ngayon, hindi pa niya nakakausap ang pangunahing suspek sa krimen na si SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Puro palusot naman ayon kay dela Rosa si SSupt. Rafael Dumlao na pinuno ni Sta. Isabel ng kanyang makausap.
Magugunitang pinatay sa loob ng Camp Crame ang negosyanteng si Jee Ick Joo makaraan siyang dukutin ng mga tauhan ng PNP-AKG sa kanyang bahay sa Angeles City sa Pampanga noong nakalipas na buwan ng Oktubre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.